Pagkatapos pumili ng kulay, pindutin ang mga iba’t ibang damit at bagay para ibahin ang kulay.
Paano maglaro: Pindutin ang kulay na gusto mong gamitin. Pagkatapos pumili ng kulay, pindutin ang damit para maiba ang kulay. May mga iba’t ibang sorpresa kang maririnig dahil minsan maririnig mong magsalita ang mga tao tungkol sa kulay na pinili mo.
Anong pag-aaralan dito: Karaniwan ng mga ibang wika ay may panglalaki at pangbabae na pananalita. May mga salitang pangisa o pangmaramihan. Dapat kamtubas ng kulay ang mga bagay. Pakinggang maigi ang pananalita. Maaaring naiiba ang kaayusan ng mga salita hindi katulad ng iyong sariling wika.
Para mapakinabangan ang aktibidad: Pindutin ang iba’t ibang kulay sa itaas para matutunan ang mga pangalan ng mga kulay. Pagkatapos pag-aralan ang mga kulay, pumili ng isang kulay at ikulay lahat ng mga damit gamit itong kulay. Pakinggang maigi kung maiiba ang pagsabi ng kulay. Ulitin ang mga salita na iyong narinig. Pagkatapos mong subukan lahat ng mga kulay, sabihin mo ang mga salita bago mo pindutin. Pakinggan mo kung tama ang iyong hula.
Aktibidad pang grupo: Bago magsimula, gawing kulay puti ang mga damit at maglimbag ng dalawa o tatlong kopya kada pahina para sa bawat mag-aaral. Siguraduhin na hindi nakikita ng mga mag-aaral ang komputer habang pumipili ka ng kulay. Ipaalam sa mga mag-aaral na dapat nilang piliin ang kulay na kanilang narinig sa mga krayon na nasa kanilang harap. Pagkatapos pumili ng kulay, pindutin ang letrato na gusto mong ikulay. Sabihin sa mga bata na ikulay nila ang damit na kanilang narinig sa kanilang pahina. Payagaang maghalinhinan ang mga bata na pumili ng kulay at ikulay ang mga damit sa komputer.