Isa o dalawang katao ang maaaring maglaro nito at maeeksamen ang kanilang alaala at bokabularyo.
Paano maglaro: Piliin kung gusto mong maglarong mag-isa o maglarong may kasama (dalawang katao) at pindutin ang isang botones sa kanan. Kung nais mong mas maraming baharang mapagpipilian, piliin mo ang botones na maraming palaso. Pumili ka ng dalwang bahara para makita kung magkapares ang letrato. Kailangan mong piliin ang dalawang magkapares na letrato. Tandaan ang lokasyon ng bawat bahara at hanapin ang pares. Kung dalawa ang naglalaro, ang maglalaro na makakahanap ng pinakamaraming tamang pares ay ang panalo. Kung isang lang ang mag-lalaro, dapat mahanap ang lahat ng pares para matapos ang laro.
Anong pag-aaralan dito: Matutunan ng mag-aaral ang mga bokabularyo habang ginagawa itong aktibidad. Hindi kailangang alamin ng mag-aaral ang mga bokabularyo bago gawin itong aktibidad kaya magaling itong laruin upang marinig ang mga salita sa unang beses at masanay sa tunog ng bagong wika.
Para mapakinabanggan ang aktibidad: Ulitin lahat ng mga salita na iyong maririnig.
Aktibidad pang-grupo: Humanap ng mga letrato sa magasin o diyaryo and idikit sa mga bahara. Siguraduhin na may dalawang magkapares na letrato. Bigyan ng isang bahara ang bawat mag-aaral at ipahanap ang kanilang kapares. Maaring gamitin ang bahara para mageksamen ang kanilang alaala.