Pinakikila ng Lola ang kanyang sarili at ang kanyang mga kamag-anak. Pagkatapos ipakilala ang bawat kamag-anak, pumili ng dalawang tao para malaman ang kanilang relasyon.
Paano maglaro: Pinakikilala ng lola ang kanyang sarili at lahat ng kanyang kamag-anak. Pagkatapos mong makilala ang buong pamilya, maari kang pumili ng dalawang tao para malaman ang kanilang relasyon. Ang relasyon ay ilalarawan gamit ang dalawang paraan. Halimbawa, “Ako ang lola niya” at “Apo ko siya.”
Anong pag-aaralan dito: Matutunan ng mga mag-aaral ang mga salita para sa mga miyembro ng pamilya: nanay, tatay, kapatid na lalaki, kapatid na babae, lola, tiya, tiyo, pinsan, at iba pa. Ang pamilyang pinakikilala dito ay makikita sa ibang mga gawain at aktibidad.
Para mapakinabangan ang aktibidad: Maaring konting mga salita ang iyong matutunan sa simula nitong aktibidad. Subukan mong piliin ang bawat pares na tao para malaman ang kanilang relasyon. Ulitin ang mga pangungusap na iyong naririnig. Sa susunod, sabihin ang kanilang relasyon bago mo pindutin ang letrato. Maari mong ilambag ang pahina ng pamilya. Makikita mo itong pamilya sa iba’t ibang mga aktibidad at mas makikilala mo silang maigi paglipas ng mga aktibidad.
Aktibidad pang grupo: Ilambag ang pahina galing ng website, o maghanap ng letrato ng mga pamilya sa diyaryo. Utusan ang isang mag-aaral na isulat ang mga salitang nanay, tatay, anak na babae, anak na lalaki sa letrato. Itanong sa mga mag-aaral, “Anong pangalan ng iyong nanay? Mayroon ka bang kapatid na lalaki? Ano ang kanyang pangalan?” at iba pa. Ipaguhit na sa mag-aaral ang kanilang mga pamilya at isulat nila ang bawat tao sa kanilang pamilya.