Pag-aralan ang mga buwan, mga araw ng linggo, at mga panahon. Marami ding pista na makikita sa kalendaryo.
Paano maglaro: Siguraduhin na tama ang oras at araw sa iyong kompyuter. Importante ito dahil ang kasalukuyang araw na nakaprograma sa iyong kompyuter ay gagamitin nitong aktibidad. Halimbawa: Kung nakaprograma na Linggo ngayon, maririnig mo sa simula ng aktibidad na “Linggo ngayon.” May mga botones para sa bukas, sa makalawa, kahapon, at kamakalawa. Malalaman mong may pista kung may letrato kang makikita sa araw na ito. Kapag pinindot mo ang isang araw sa kalendaryo na may pista, maririnig mo kung papaano sabihin ang araw at makikita mo ang letrato sa itaas sa iyong kaliwa. Pindutin ang letrato para marinig ang pangalan ng pista.
Magsimulang pag-aralan ang isang bagay kada aktibidad. Pindutin ang mga araw ng linggo sa pinakataas para matutunan ang mga pangalan ng mga araw. Sa susunod, pindutin ang mga buwan para mapagaralan ang mga buwan.
Anong pag-aaralan dito: Pag-aaralan ng mga mag-aaral ang mga araw ng linggo, mga buwan, at mga panahon pati na rin ang mga pista at kung paano ito bigkasin. Maraming mga pistang makikita sa kalendaryo para mapakita sa mga mag-aaral ang kultura ng bansa.
Paano mapapakinabangan ang aktibidad: Pindutin ang bawat letrato na makikita at pag-aralan ang iba’t ibang araw. Hanapin kung kailan ang “Araw ng mga Puso” o kung kailan ang iyong kaarawan. Ulitin ang bawat pangungusap na iyong maririnig.
Aktibidad pang-grupo: Pagkatapos gawin itong aktibidad, maglambag ng kalendaryo sa kasalukuyang buwan at utusan ang mga mag-aaral na isulat ang mga importanteng araw o pista sa buwan para sa kanilang pamilya. Pagusapan ang mga iba’t ibang panahon at pista. Hanapin kung anong pista ang susunod at magbasa tungkol dito. Maaring gumawa ng mga palamuti o dekorasyon na ginagamit sa pista na pinag-aralan.