Matutong magbigay ng sukli habang ginagamit ang mga barya.
Paano maglaro: Pindutin ang barya para makita ang ulo at buntot. Pindutin ang isang palaso para makapaglaro. May mga iba’t ibang antas sa laro.
Habang naglalaro, makikita mo kung magkano ang halaga ng barya at kailangan mong siguraduhin na pareho ang sukli na nilalagay mo sa kamay at sa sinabing sukli na kailangan.
Pahiwatig: Magsimula sa pinakamalaking halaga ng sukli.
Anong pag-aaralan dito: Makakatulong itong aktibidad na makita ng mga mag-aaral ang mga barya at matutunan nilang magbigay ng sukli.
Para mapakinabangan ang aktibidad: Ulitin ang mga pangungusap na iyong naririnig. Subukan lahat ng antas sa laro.
Aktibidad pang-grupo: Pagkatapos gawin itong aktibidad, maghalinhinang magsabi ng halaga para maibilang ang mga barya. Maaring isang mag-aaral ang magsasabi ng halaga, at isang mag-aaral ang magbibigay ng sukli gamit ang mga barya. Siguraduhin na bawat mag-aaral ay nakapagsabi ng halaga at nakapagbigay ng sukli.
Maaring ipakita ng guro ang iba’t ibang halaga ng mga barya at itanong sa mag-aaral kung magkano ang barya na pinakita