Tulungan ang daga na hanapin ang keso.
Gusto ng daga ang keso! Pindutin ang mga botones para matulungan mo ang daga na makuha ang keso.
Paano maglaro: Pindutin ang kahit na anong botones para gumalaw ang daga papunta sa keso. Kung hindi siya maaring dumirecho, sasabihin niya, “Hindi ko kaya” o “Imposible ito” Minsan hindi siya makakadirecho pero maari siyang tumalon. Kung nahulog siya sa lagusan, wala siyang magagawa kundi dumirecho hanggang makalabas siya sa lagusan dahil madilim doon. Pindutin ang berdeng palaso para makapaglaro ulit.
Anong pag-aaralan dito: Matutunan ng mga mag-aaral ang mga salitang “lumikong pakanan,” “lumikong pakaliwa,” “umikot,” “direcho,” at “lundag.” Makakatulong itong aktibidad na isipin ng mga mag-aaral at iplano ang tamang daan para makuha ng daga ang keso habang pinag-aaralan ang mga salita na nagbibigay ng direksyon. Mapag-aaralan din ng mga mag-aaaral ang mga bokabularyo habang naglalaro.
Para mapakinabangan ang aktibidad: Pindutin ang pader, tubig, at lagusan para matutunan ang mga pangalan nito. Subukang gamitin ang ibang mga daan at maari mong ilagay ang daga sa tubig para marinig mo siyang magsabi na “Nilalamig ako,” o idaan siya sa lagusan para marinig mo siyang sabihin “Madilim dito.” Pindutin ang “direcho” na botones kung hindi puwedeng dumirecho para marinig mo siyang sabihin “Hind ko kaya” o “Imposible ito.” Pasasalamat ka niya kapag nakuha na niya ang keso. Siguraduhing ulitin ang bawat pangungusap at parirala na iyong maririnig.
Aktibidad pang-grupo: Sabihin sa mga mag-aaral na tumayo. Pindutin ang botones dito sa aktibidad para marinig ng mga mag-aaral ang mga direksyon na “lumikong pakaliwa,” at iba pa. Dapat sundin ng mga mag-aaral ang direksyon. Kung hindi maaring gumalaw ang mga mag-aaral, siguraduhin na sabihin nila na “Hindi ko kaya,” o “Imposible ito.”
Pumili ng kahit na anong bagay para maging katulad ng keso. Pumili ng mag-aaral na magiging tulad ng daga. Itago ang bagay habang nakatakip ang mata ng mag-aaral. Kailangang tulungan ng ibang mag-aaral na mahanap ang bagay habang nagbibigay ng direksyon. Maghalinhinang maging “daga” at magbigay ng direksyon.